Wednesday, March 31, 2010

ROBI STORIES sender for the week: Meet Barbs! :)


Name: Maria Barbara Ann Sim/Barbs for short of Iloilo City


Story:

Hello! Pinost ni Jam ang tungkol dito sa PEx kaya try kong magsend sa inyo ng Robi Experience ko. ;)

Actually, hindi ako ganun ka adik kay Robi pero I like him na noong nasa loob pa lang siya ng bahay ni kuya. Aside from being gwapo, na attract ako sa kanya kasi nga matalino siya. Napapanood ko rin siya sa Myx. At sa Boystown, sa Paano na Kaya.

Ganito yun, March 7, 2010, 2:30P.M., dapat kasi ang pupuntahan namin ng kapatid ko ay si Erich Gonzales nagtext kasi kaibigan ko na nakita daw niya si Erich. So, dali dali naman kaming pumunta sa lugar na yun. Malayo pa lang, nakita na ng kapatid ko ang bus na sinasabi ng kaibigan ko. Pero malakas yung feeling ko na wala sila Erich dun kaya hinayaan na lang namin kasi makikita pa rin namin siya dun sa mallshow niya. At talagang nakaalis na pala si Erich kasi noong dumaan yung bus, ang nakita namin ay si Robi Domingo. Nasa jeep pa lang kami nito napasigaw talaga ako ng “Shocks! Si Robi!! Ang gwapo kahit naka side view!!” Bumaba kami sa jeep kaya lang malayo na ang bus nila Robi. Haha! Malas. Pero ayun, sumakay kami kaagad sa taxi at pinasundan talaga namin yung bus kaya lang minalas kami ulit, naligaw na kami. Buti na lang may walky-talky si manong driver at tinanong mga kasama niya kung may nakita silang bus na may sakay na mga artista. And YEY! Meron nga. Hahaha. So yun, nakarating kami sa Hotel del Rio kaya lang ayaw kaming papasukin ng nagbabantay kaya ayun nag-antay kami sa labas. Tapos buti na lang talaga may lumabas na Game Organizer tapos tinanong ko kung pwede ba kaming magpa-picture kay Robi, sabi niya pwedeng pwede daw tapos pinaupo niya kami sa lobby. Nga pala, Basketball Game sa Pototan, Iloilo yung event nila Robi.

Ilang oras din kami nag-antay. Nakita na namin ang iba niyang kasama pero siya super tagal. Buti na lang mahaba pasensya ko at hindi pa talaga kami umalis sa hotel.

Thanks, God! Lumabas na si Robi. Haha. Na heartstruck at na starstruck talaga ako! Whoa!!! <3

Umalis na sila. Kaya babye, Robi. :(

Yun lang po ang story ko. Hehe. Nang dahil sa hindi ko inaasahan na mame-meet ko si Robi at super nice pa niya, nag decide na talaga ako na maging fan niya na rin. Kaya I joined RTC-globe and nagpost na rin ako sa thread niya sa PEx. Maraming salamat sa mga naging friends ko sa ROBIlievers! :) You guys are great! Hope to meet you all one day. Kahit bago pa lang ako, alam kong tatagal ako para sa Robi natin. Lab ko kayo. :D

At sha nga pala, sana makilala ko ang ibang fans ni Robi na taga-Iloilo rin, para mas masaya. :)

Ay bago ko makalimutan, share ko yung picture namin ng kapatid ko with Robi. :)

P.S. Okay lang kung hindi mapipili ang story ko, ang importante nai-share ko ang experience ko. ^^

Message for Robi:

Hi, VJ Robi! Haha. Myx ba ‘to? Anyway, kahit hindi mo ko nakilala nung una kitang makita, okay lang. :D I’m always here to support you. Sabihin na natin na bagong fan mo pa lang ako, pero yung pagmamahal ko sayo ay to the highest level na. Stay cool and humble as you are. Please do take care wherever you go, whatever you do. I do hope to see you soon, again! And sana next time makapag bonding din tayo tulad ng ibang fans mo. Hehe! :D Basta, always remember that na andito lang kaming mga fans mo na patuloy na sumusuporta at nagmamahal sayo. Always pray to God. I love you, Robi! God bless you and your family.

-Barbs <3



-----------------------

Ang cute ng kwento! Thank you for sharing your story, Barbs!

Share your stories, too! Malay nyo, kayo na ang susunod na mafifeature sa ROBI STORIES! Details at the sidebar! :)

4 comments:

  1. wow .nang barbs :)) nami'an gd ko sang story niu.sng gna sturya plng smun ni jeb ga utoy'utoy nku kdlao :))

    ReplyDelete
  2. ^ Hi there! Who are you? I know Ilonggo ka. :D

    Jam, many thanks for choosing my story. Mwah!

    ReplyDelete
  3. OMG ! i love it . fan man cu ni Robi aa .

    ReplyDelete
  4. nice story pillow!!

    ReplyDelete

Robilievers' Playlist


MusicPlaylistRingtones
Create a playlist at MixPod.com